Paano Magparehistro upang Makaboto
Sino ang Maaaring Magparehistro upang Makaboto?
Maaari kayong magparehistro upang makaboto sa California kung kayo ay:
- Hindi bababa sa 18 taong gulang sa Araw ng Halalan
- Mamamayan ng US
- Residente ng California
- Hindi kasalukuyang nakabilanggo sa kulungan ng estado o pederal na pamahalaan para sa hatol ng mabigat na kasalanan (para sa karagdagang kaalaman, mangyaring tingnan ang Mga Karapatan sa Pagboto Mga Indibidual na may Mga Kasaysayan ng Krimen), at
- Hindi kasalukuyang ipinasiya ng isang hukuman na walang kakayahan ang isipan upang bumoto (para sa karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang Mga Karapatan sa Pagboto: Mga Taong Napapailalim sa Pangangalaga (Voting Rights: Persons Subject to Conservatorship)
Maaaring mag paunang magparehistro upang makaboto kung kayo ay:
- Hindi bababa sa 16 na taong gulang
- Mamamayan ng US
- Residente ng California
- Kasalukuyang hindi nakabilanggo sa kulungan ng estado o pederal na pamahalaan para sa hatol ng mabigat na kasalanan (higit pang impormasyon para sa mga indibidwal na may mga hatol bilang kriminal o ikinulong sa kulungan o bilangguan)
- Magiging aktibo ang inyong pagpaparehistro ng botante kapag naging 18 na kayo
Takdang petsa ng Pagpaparehistro ng Botante: 15 araw bago ang Araw ng Halalan
Paano Ako Magpaparehistro upang Makaboto?
Gamitin ang Online na Sistema ng Pagpaparehistro ng Botante ng California
Makakakuha ng mga papel na porma ng pagpaparehistro sa Opisina ng Tagapagrehistro ng Mga Botante, mga Post Office sa U.S., mga Pampublikong Silid-Aklatan, Kagawaran ng Mga De-motor na Sasakyan, at iba pang opisina ng pamahalaan. Ang mga pinirmahan at sinagutang porma ay dapat ibalik nang personal o sa pamamagitan ng koreo. Hindi maaaring i-fax o i-email ang mga ito.
Direksiyon: Registrar of Voters, 1555 Berger Drive, Building 2, San Jose, CA 95112
Direksiyong Pangkoreo: Registrar of Voters, P.O. Box 611300, San Jose, CA 95161-1300