Ano ang ibig sabihin ng Voter’s Choice Act para sa Akin bilang isang VBM na Botante?

Kung dati ka nang bumoboto sa pamamagitan ng koreo, halos ganoon pa rin ang iyong proseso sa pagboto sa ilalim ng Voter’s Choice Act. Gayunpaman, may ilang maliit na pagbabagong mas magpapadali sa iyong pagpapatala ng balota.

Awtomatiko na ngayong makakatanggap ang lahat ng botante ng balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (VBM). Hindi mo kailangang magsumite ng kahilingan sa VBM. Ang mga balota ay ipapadala sa koreo mga isang buwan bago ang bawat halalan, na magbibigay sa iyo ng mahabang oras na markahan at ibalik ang iyong balota sa panahong pinakamaginhawa para sa iyo.            

Paano ko Ibabalik ang Aking Balota? 

Marami kang pagpipilian para ibalik ang iyong balota. Dapat maibalik ang mga balota bago ang pagsasara ng Araw ng Halalan. 

  • Sa Pamamagitan ng Koreo: Maaari mong ibalik ang iyong balota sa pamamagitan ng koreo. Hindi na kailangan ng selyo kung gagamitin mo ang ibinigay na sobre para sa pagbabalik. Dapat matatakan ng koreo ang mga balota sa, o bago ang Araw ng Halalan, at dapat itong matanggap ng Tagapagrehistro ng Mga Botante sa loob ng pitong araw pagkatapos ng halalan.
  • Sa Sentro ng Pagboto: Magbubukas ang mga Sentro ng Pagboto nang hanggang 11 araw bago ang halalan. Maaari mong ibalik ang iyong nakumpletong balota sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County. Ilalathala ang listahan ng mga Sentro ng Pagboto bago ang bawat halalan. 
  • Sa Drop Box ng Balota: Maaaring ibalik ang mga balota sa alinmang drop box ng balota sa county na sisimulan 29 na araw bago ang halalan. Ang mga drop box ng balota ay ligtas at ang mga nakakandadong lalagyan ay inilalagay sa mga madaling mahanap at mapuntahang lugar. Ilalathala ang listahan ng mga drop box ng balota bago ang bawat halalan.

Paano Kung Kailangan ko ng Pamalit na Balota? 

Maraming dahilan kung bakit maaari kang mangailangan ng pamalit na balota. Halimbawa, maaaring nawala mo ang iyong balota o nagkamali ka sa​ pagmamarka nito. Maaari ka ring humiling ng pamalit na balota kung kailangan mong baguhin ang iyong address o isapanahon ang iyong impormasyon sa pagpaparehistro ng botante. 

May tatlong  paraan upang makakuha ng pamalit na balota: 

  • Sa Pamamagitan ng Koreo: Maaari kang humiling ng bagong balotang ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo. Tumawag sa Tagapagrehistro ng Mga Botante ng walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683) o mag-email sa [email protected]. Dapat matanggap ang iyong kahilingan nang hindi bababa sa pitong araw bago ang halalan. Pagkatapos ng panahong iyon, makukuha na lang ang mga pamalit na balota nang personal. 
  • Personal: Maaari mong kunin nang personal ang pamalit na balota sa Opisina ng Tagapagrehistro ng Mga Botante o sa alinmang Sentro sa Pagboto sa County. 
  • Sa Online: Maaari mong gamitin ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) upang mag-download ng kopya ng balota na maaaring i-print at ibalik sa pamamagitan ng koreo.

Kung tatanggap at iboboto mo ang isang pamalit na balota, awtomatikong mawawalan ng bisa ang iba mo pang balota. Pakisira at pakitapon ang iyong mga hindi nagamit na balota. Isang balota lang ang tatanggapin sa bawat botante kada halalan. 

Paano Kung Ayaw kong Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo? 

Kung ayaw mong bumoto gamit ang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari kang pumunta sa Sentro ng Pagboto upang personal na makaboto. Kung boboto ka sa Sentro ng Pagboto, mawawalan ng bisa ang iyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Maaari mo itong dalhin upang isauli sa Sentro ng Pagboto o maaari mo itong sirain at itapon. 

Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM)

Ang sistema na RAVBM ay magagamit simula 29 na araw bago ang halalan. Ikaw ay dapat isang rehistradong botante upang magamit ang sistema. DAPAT ibalik ang iyong binotohang balota bago ang ika-8 ng gabi sa Araw ng Halalan O matatakan ng koreo sa o bago ang araw ng halalan at matanggap nang hindi lalampas sa 7 araw pagkatapos ng Araw ng Halalan.

Magagamit ba ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo (RAVBM) sa Lahat ng Rehistradong Botante?

Oo. Pinahihintulutan ng batas ng California ang lahat ng nakarehistrong botante na gamitin ang sistema ng RAVBM para sa bawat halalan simula sa 2022, ikaw man ay isang botanteng may kapansanan o wala, o isang militar o botante sa ibang bansa o hindi.

May mga Pagpipilian ba sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo Na Madaling Magamit ng mga Indibidwal na may mga Kapansanan?

Oo, maaaring gamitin ng mga botanteng may mga kapansanan ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo upang makuha at botohan ang kanilang mga balota nang walang tulong at pribado. Sa halip na gumamit ng papel na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari kang maka-access ng elektronikong bersiyon ng iyong balota, na maaaring markahan gamit ang iyong sariling pantulong na teknolohiya sa tahanan. Kapag tapos ka na, dapat mong i-print ang iyong balota at maaaring ibalik sa Tagapagrehistro ng mga Botante ang iyong napirmahang orihinal sa pagbabalik na sobre ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para mapabilang ang iyong balota. Upang mapangalagaan ang iyong pagkapribado at seguridad, hindi ipadadala ang iyong mga pinili sa balota sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet. 

Ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay magagamit ba ng mga Botanteng Militar at Nasa Ibang Bansa?

Oo, maaaring gamitin ng Militar at Nasa Ibang Bansa ang Malayuang Madaling Magamit na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo upang makuha at botohan ang kanilang mga balota nang walang tulong at pribado. Sa halip na gumamit ng papel na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, maaari kang maka-access ng elektronikong bersiyon ng iyong balota. Kapag tapos ka na, dapat mong i-print ang iyong balota at maaaring ibalik sa Tagapagrehistro ng mga Botante ang iyong napirmahang orihinal sa pagbabalik na sobre ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para mapabilang ang iyong balota. Upang mapangalagaan ang iyong pagkapribado at seguridad, hindi ipadadala ang iyong mga pinili sa balota sa elektronikong paraan sa pamamagitan ng Internet. 

Paggamit ng sistema ng RAVBM

LAHAT ng mga botante ay direktang makaka-access sa sistema ng RAVBM simula ng 29 na araw bago ang halalan. Dagdag pa rito, para sa mga botante na humihiling ng paghahatid ng isang Emerhensiyang Balota alinsunod sa seksyon 3021 ng Kodigo sa mga Halalan, ang access sa RAVBM ay maaari ding ibigay bilang isang paraan ng paghahatid ng balota ng opisyal ng halalan.

Madaling Pagboto para sa mga Mamamayang may mga Kapansanan

Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nagsisikap na magkaloob ng mga Sentro ng Pagboto na madaling puntahan ng mga matatanda at mga botante na may mga kapansanan. Kung ang isang Sentro ng Pagboto ay hindi nakakatugon sa mga alituntunin sa accessibility, tumawag sa (408) 299-POLL (7655) upang makatanggap ng impormasyon sa mga alternatibong paraan ng pagboto.

Ang sistema ng elektronikong pagboto ng County ng Santa Clara na may magagamit na mga katangian, kabilang ang touchscreen at audio, ay nagbibigay sa mga botanteng may mga kapansanan ng kakayahang bumoto ng isang sikretong balota nang hindi kinakailangan ng tulong. Ang sistema ng pagboto ay nagtataglay ng isang kagamitan ng pagbotong audio na nagpapahintulot sa mga botante na pakinggan ang balota at gumawa ng kanilang mga pagpili gamit ang ibinigay na keypad. Kasama rin sa keypad ang isang “sip and puff” na katangian.

Ang mga botanteng walang kakayahan sa pagmarka ng balota ay maaaring magsama ng hanggang sa dalawang indibidwal na tutulong sa kanila sa pagboto.

Ang mga audio recording ng Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County ay makukuha kapag hiniling. Tumawag sa  (408) 299-VOTE (8683) o walang bayad sa (866) 430-VOTE (8683).

Ang impormasyon sa pagpaparehistro at pagboto ay makukuha ng may mga kapansanan sa pandinig sa pamamagitan ng paggamit ng TTY communication. Tumawag sa 711

©2023 County of Santa Clara. All rights reserved.