Skip to main content

County Voter Information Guide Delivery Options Tagalog

Mga Madalas Itanong

Paano ko mababago ang paraan sa pagtanggap  ng aking Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County?

​Sundan ang link na ito,  Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County (CVIG) Opt Out/Opt In.  Makikita din ang form na ito sa bawat Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County na nailathala ng Tagapagrehistro ng mga Botante ng County ng Santa Clara, o maaari kang magpadala ng sulat sa amin. ​

Ang batas ay nangangailangan na makumpirma ng ROV ang iyong pagkakailanlan, kasama ng iyong kahilingan, manyaring isama ang iyong pangalan, direksiyon ng tirahan, araw ng kapanganakan, email address at ang iyong lagda.  Kapag ang elektroniko na form ang gagamitin, ang iyong “legal na pirma” ay kailangan kasama ang iyong Lisensiya sa Pagmamaneho sa California o numero ng Identification Card, o ang panghuling apat na numero ng iyong Social Security.  Ang bawat email address na ibinigay para sa pag Opt-Out ay kumpidensyal.​​​​​​​​

Kailan magkakabisa ang aking kahilingan?

Ang iyong card ng pagpaparehistro ng botante ay maa-update sa lalong madaling panahon na matanggap naming ang iyong kahilingan. Mangyaring tandaan na depende sa panahon kung kailan isinumite ang iyong form, maaaring pinoproseso na ang pagpapadala ng iyong patnubay para sa darating na halalan. Ang iyong opsiyon ay hindi magkakabisa hanggang sa susunod na naka-iskedyul na halalan.

Paano ko matatanggap ang electronikong patnubay?

Simula apatnapung araw bago ang halalan, makakatanggap ka ng email na nag-aabiso sa iyo na maaari nang gamitin ang Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County at ang link sa iyong patnubay na batay sa iyong nakarehistrong direksiyon ng tirahan.

Maaari ring pumunta sa aming Online na Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County Lookup. Kailangan ilagay ang iyong numero ng kalye, pangalan ng kalye at ang kodigo postal. 

Kung hindi ko gusto ang elektronikong paraan ng patnubay, maaari ba akong bumalik sa pagtanggap nito sa pinakokoreong paraan?

Oo!  Sundan ang parehong link, CVIG Opt Out/Opt In, o gamitin ang form sa iyong patnubay, o humiling sa pagsulat sa amin. Muli, kailangan naming ikumpirma ang iyong pagkakakilanlan, mangyaring isama ang iyong pangalan, direksiyon ng tirahan, araw ng kapanganakan, at lagda.

Magagamit ba ang CVIG sa madaling ma-access na paraan?

Oo.  Ang CVIG na nai-post sa aming mga website ay katugma sa screen readers. Ang Tagapagrehistro ng mga Botante ay nag-aalok din ng CVIG sa audio cassette at audio CD. Upang humiling ng kopya ng patnubay na ito sa madaling ma-access na paraan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa  (866) 430-VOTE (8683​) o sa pamamagitan ng email: [email protected].

Anong mangyayari kung nagbago ang aking e-mail?

Kung nagbago ang iyong email at ang aming tanggapan ay makatanggap ng di-maihahatid na abiso tungkol sa email, ang iyong rekord ay awtomatikong magbabago sa pagtanggap mo ng Patnubay ng Impormasyon Para sa Botante ng County sa pamamagitan ng koreo.