PANGKALAHATANG IMPORMASYON PARA SA MGA BOTANTE
TAGAPAGREHISTRO NG MGA BOTANTE NG COUNTY NG SANTA CLARA
I-klik dito para bumalik sa homepage ng Tagapagrehistro ng mga Botante.
Lugar: 1555 Berger Dr, Building 2 San Jose, CA 95112 | Koreo: P. O. Box 611360 San Jose, CA 95161 |
Mapa papunta sa Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante | Email: [email protected] |
Numero Ng Mga Telepono
Opisina: 1-408-299-VOTE (8683) Mga Opisyal ng Halalan: 1-408-299-POLL (7655) Walang Bayad: 1-866-430-VOTE (8683) | Tulong sa Wikang: Espanyol: 1-408-282-3095 Biyetnamis: 1-408-282-3097 Intsik: 1-408-282-3086 Tagalog: 1-408-282-3089 |
Hanapin Ang Inyong Mga Distrito
Makukuha ang porma ng Pagpaparehistro ng Botante sa California sa
|
|
|
|
|
Paghiling ng porma sa pagpaparehistro: Kung ikaw ay tatawag sa Tagapagrehistro ng mga Botante sa (408) 299-VOTE [8683], o walang bayad (866) 430-VOTE [8683], ang porma ay ipapadala sa inyo. Punan at ipadala sa koreo ang porma sa Tagapagrehistro ng mga Botante.
Para humiling sa pormang Tagalog tumawag sa (408) 282-3089.
Magparehistro on-line: Sa website ng Kalihim ng Estado sa www.sos.ca.gov.
SA PAMAMAGITAN NG KOREO
Ang mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay magagamit ng mga botante kung sila ay hindi makapunta sa kanilang nakatalagang lugar ng botohan sa Araw ng Halalan, o kung sinuman ang may nais na bumoto nang maaga kaysa sa Araw ng Halalan.
- Ang mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay kailangan hilingin sa pamamagitan ng liham na hindi kukulangin ng pitong araw bago ang halalan.
- Ang Permanenteng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay magagamit ng sinumang botante na makakakumpleto at makakapagpadala sa aming opisina ng Aplikasyon para sa Permanenteng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Ang mga balotang ito ay ipapadala 29 na araw bago ang Halalan. Ang mga Permanenteng Botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na hindi bumoto sa isang halalan ay maaring mawala ang katayuan bilang Permanenteng Botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
- Ang mga botanteng Militar at nasa Ibang Bansa ay maaaring pumunta sa www.fvap.gov para sa karagdagang impormasyon at Federal Postcard Application (FPCA) para sa mga porma.
- Maagang Pagboto: Sa mga Primarya at Pangkalahatang Halalan, ang Opisina ng Tagapagrehistro ng mga Botante ay bukas ang dalawang Sabado at Linggo bago dumating ang Araw ng Halalan para sa Maagang Pagboto. Ang mga oras para sa Maagang Pagboto ay magsisimula sa ika-9 ng umaga hanggang ika-3 ng hapon.
Paghiling ng balota sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo, mangyaring sumulat o i-fax sa amin ang sumusunod na impormasyon:
|
|
|
|
***Kung kayo ay humihiling ng maramihang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para sa inyong sambahayan, mangyaring isama ang bawat pangalan at lagda ng botante. Maaari din ninyong kumpletuhin ang porma na nasa panlikod na takip ng Patnubay na Impormasyon Para sa Botante ng County na inyong natanggap sa koreo.
Mangyaring ipadala ang lahat ng kahilingan sa:
Registrar of Voters, Vote by Mail Division, PO Box 611750, San Jose, CA 95161-1750
Ang mga kahilingan para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay maaaring i-fax sa: (408) 293-6002
Telepono: (408) 299-8640 Walang Bayad: (866) 430-VOTE [8683]
BOLUNTARYO SA MGA BOTOHAN - Isang magandang pagkakataon upang maglingkod sa inyong komunidad at makilala ang inyong mga kapitbahay.
Upang magboluntaryo sa mga botohan kayo ay kailangan
|
|
|
|
O: Isang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan, may 16 taong gulang pataas na hindi bababa sa 2.5 ang GPA
Klaseng Pagsasanay Para Sa Opisyal ng Halalan
Ang mga Opisyal ng Halalan ay kinakailangang dumalo sa isang nakatakdang klase sa pagsasanay bawat bagong halalan.